Friday, October 03, 2008

Vanity

Posted by ♡ N o r e e n at Friday, October 03, 2008
Wala naman yatang tao na nagwi-wish na pangit sila. Ako aaminin ko vain ako. Napakadami kong gusto baguhin sa sarili ko. Kung malakas nga lang loob ko at di ako takot sa pwedeng mangyari ay matagal nako nagpa-boob job at nagpa-lipo.

Naiinis ako at tumataba ako. I want to stay at 100 to 105 lbs. Dahil hindi naman ako matangkad, every little pound I gain ay para akong nagiging rolly-polly sa mata ko. Gusto kong bumalik sa XS shirts at size 0 na pants. Pero only in my dreams na lang yata yun.

Di ako makunteto sa sarili ko! Mula sa buhok ko hanggang sa toes ko ay may reklamo ako. Napaka-vain ko kasi BWISET! Di na lang ako makuntento sa pagmumukha ko! At OMG utang ng loob, ano ba itong jiggly tummy na ito? Saan ito nanggaling at bakit bigla na lang sumulpot???

Sorry. Nagse-self pity ako at semi-depressed na naman ako. Hayyyy.


Sent via BlackBerry from T-Mobile

5 comments:

islandchaluta on October 3, 2008 at 7:02 PM said...

basta pretty tayo sa asawa natin okay na yun.. :P hay, misann naiisip ko din yan, normal lang ata yan..
ask yourself ilan na ba anak mo?o di ba.. ako ilan na anak ko, pero eto trying hard to be pretty atleast para sa asawa ko..
no worry,dahil pretty ka para ke jay.

pampalakas loob, dahil eto din ang sinasabi ko sa sarili ko pra lumakas loob ko at di ako ma insecure sa mga sexy haha
"its not how you win the race.. is how you finish it.."
ewan ko na lang kung ano pa maging itsura ng iba dyang dalaga pa pag nagka anak na.. at pag nagka anak sila ng 3 o 4 ewan ko na lang.. di ba?

pero san ka, naiinis din ako no pag nakakakita ako ng sexy wahh.. kaya lang, iniisip ko na lang na "hmpp, dalaga pa kayo.. tignan natin pag nag ka anak na kayo..

swerte ka pa rin kasi kahit ilan na babies mo, sexy pa rin tayo.. sinali sarili ko haha


tara mag gym .. :P

Mommy Scarty on October 3, 2008 at 8:43 PM said...

ano ka bah! pretty ka naman ah saka may asawa na tau de na natin kailangan magpaka sexy ng todo basta presentable eh ayos na hehehe pero tama ka nakaka-insecure naman kasi eh LOL. kaya ako hindi ako bibili new pants kailangan magkasya ang luma ulet hehehe kasi kung bibili ako new na yung size ay nakow malabo na ako papayat.

ito nagsisikap pumayat ulet hahaha alam mo bang kahit isang vitamins hindi ako umiinom? pero still dami pa din nagsasabi na muka daw akong teenager hahaha nakakainis naman isipin pero yun madalas sinabi nila nagmumuka tuloy akong walang alam sa pag-aalaga ng bata kasi tingin nila eh teenager ako susmio. Tulad nalang nong nanganak ako alam mo bang dumaan pa ako sa madaming advisers kasi akala nila 18 lang kami ni luvski yecks yung iba kasi hindi nagchecheck ng records basta nalang sugod na agad sa pasyente. hay nakow laking ni galit ni luvski kasi uuwi nalang kami ang dami pang echas tapos nong malamang 30 na ako sabay 'oh i thought your only 18' hellooooo!

hay nakow ganda nagkwento pa ako ng irrelevant LOL basta isipin natin na we are still fresh and young nyahahahaha.

nga pala sensya ka na hindi ako nakareply dun sa txt mo kasi nong nagreply hindi na nagsend eh. putol na pala ulet ang line namin at alam mo na de naman kyang pagsabayin lahat ng bills kaya one at a time. yung importante muna hehehe

cge ganda ingat :)

Love♥Dollie on October 4, 2008 at 11:52 AM said...

aww sis noreen para sakin maganda ka isa kang dyosa totoo yan very pretty walang makakapag sabi sis na with the body you have eh 3 na anak mo totoo yan promise... sexy mo kaya at ganda mo kaya anuhbah!

ako din sis eh always dreamed of getting bigger boobs sobrang gusto ko talaga yan ahihi pero natatakot ako kaya hanggang wonderbra nalang yata ako at yung IPEX ng VS nakakatkot eh..

ur very pretty and sexy and im not saying this to make you feel good or whatever im saying this from a woman to another woman ano.. basta you shouldnt feel that way kasi DIVA ka kaya namin.. kaya ka namin DIVA kasi ikaw ang model namin :) love u girl.. smile.

kitty on October 4, 2008 at 3:37 PM said...

waaahhh, buti nga ikaw yan lang (sniff) ako mas malaki problema ko, pero I just blind myself towards myself, haishh... hirap talaga pag di kuntento sa sarili, lahat naman tayo may ganun diba? for us, you look GORGEOUS! and SEXY! wala naman ako masabi sayo, kasi you look perfect to me. siguro may times talaga na napapansin natin yung noon at ngayon. kahit ako, naiisip ko san na napunta yung payat na kit noon? ngayon sobrang laki ko na! hayy, kelangan ko lang ng disiplina at motivation. but for you, ate.... c'mon! you look oh so perfect, kaya wash out those thoughts and bring in the positive. =D (hugs)

xoxo

lin said...

not to worry ate noreen di ko link madali namang tandaan yung blog mo eh. saka besides kaya nga sa close friends mo lang nibigay yung links eh. ate mganda ka naman eh. pero alam mo totoo yun. kahit sinong tao, walang hindi nireklamo sa physical na kaanyuan nila. meron akong tindang product na pampapayat. baka gusto mo? pati beauty products. gumamit na ko nun kaya tested syang maganda. actually yng diet product anu sya, pangcleansing din saka ano di tulad nang ibang products that will make you go number 2 most of the time. ito hindi, ni-alis nyang cravings mo. sa pagkain nang madami. ganun sya. saka nakakaliit nang tiyan. kelangan mo lang syang gawin nang 5 days straight tapos merong kasamang diet programs and excercise programs sya. tapos after 5 days, fruits and vegies naman. you can do this every six months. effective sya. try mo if gusto mo email mo nalang ako. ingats god bless I MISS U!

Post a Comment

 

MOMMY♥LUVS Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez