Tuesday, October 07, 2008

Choose Your Friends Wisely.

Posted by ♡ N o r e e n at Tuesday, October 07, 2008
I still remember my mom telling me to always choose your friends wisely. Friends can bring you up daw, pero they can also drag me down.





And it's true. I'm ashamed to admit that growing up, I haven't always been wise in choosing the people I hang around with. Looking back, I could've done so much more in my life if I have not surrounded myself with people na ang alam lang ay gumimik at mag-good time. Not that it's entirely their fault-- dahil I've always been a willing participant in all our shenanigans. We've done a lot of stuff that makes me shake my head now and say, "what the fuck was I thinking?!".





That's why nung medyo naging older nako (and hopefully wiser) ay talagang piling-pili ko mga taong pinagkakatiwalaan ko. I don't make friends with every person I meet. All I need in life is a few good people by my side, kesa magkaroon ng sangkatutak na so-called friends na iiwan ka lang naman sa ere when the going gets tough na.





Wow. Seryoso! I'm typing this up while I'm at school. Obviously, I'M BORED. Hahahahhaa







Sent via BlackBerry from T-Mobile

5 comments:

ethel on October 8, 2008 at 5:10 AM said...

sabi nga din nila true friends are hard to find. Ako dito as in walang close prends sa offline, may mga ka kilala ako pero never akong makipag hang out sa kanila. Kahit wala akong prends dito, pero super nag eenjoy naman ako sa life ko. I can live without friend but I can't live without love. Sobrang mapili lang talaga ako sa mga kakaibiganin ko sa offline. Mula kase nung bata pa ako, parents ko yong namimili sa mga dapat na kakaibiganin ko.

Sweet♥Dollie on October 8, 2008 at 10:45 AM said...

oo totoo yan sis ako naman piling pili ang mga pinagkakatiwalaan ko sa buhay kasi parang aksaya ng panahon ko na makipag kaibigan sa mga hindi ko naman gusto lalo na yung alam kong mang iiwan sa ere pag times na kailangan ko ng kaibigan...

mas gusgustuhin ko pa magkaron ng kaibigan na malayo sakin na mag rereachout sakin in times na i need a friend kesa sa friend na nasa tabi ko pero wala namng kwenta :(

agree ako sa mommy mo sis tama sya we should choose our friends talaga... muwahh.. xoxo

kitty on October 8, 2008 at 4:11 PM said...

oh, I'm so sorry to hear about that, ate Noreen. ganun talaga, we're not perfect, we all make mistakes of making friends with the wrong people, but for me there's nothing wrong with that, mas mabuti yun at least natututo ka through the time na maging maingat ka the next time, ako malakas ako makiramdam kung sino ang kakaibiganin ko. I remembered back in high school naaccelerate kasi ako sa 3rd yr syempre palibhasa bago ako sa room na yun, sinasama ako ng mga popular girls sa grupo nila, nakita ko mga pinaggagawa nila which is syempre na turn off naman ako, sabi ko sa sarili ko, This is not me... kaya humiwalay ako at nasama sa isa pang grupo ng mga girls, and you know what I sure made the right decision.. up to now kaibigan ko pa rin sila kahit may mga family na kami. good friends are sure hard to find, kahit napakarami mong kaibigan dyan at least you can have a few handful that you can trust and rely on. mahirap magkaron ng friends na sinungaling nakakadepress diba? (hugs) cheer up, you just have to be careful to choose the right people to be friends with, I guess ganun talaga ang buhay through the time we learn who we can trust, parang trial and error. hahaa, sorry mejo napahaba ata dahil nag kwento pako, pero, sis trust me when you have friends that lie to you, don't let it affect you. don't let it bring you down. who am I kidding? ganun rin naman ako, kaya I try to convince myself everytime that it's not my cup of tea to stopp down their level diba? ni message kita kanina, maybe you're in school or probably doing some stuff. I'm just here, msg mo lang ako sa bb email ko, I'm glad to lend an ear to listen to you... take care!!


relax, you'll be fine...

Mommy Scarty on October 10, 2008 at 5:21 PM said...

i have a lots of friend but there's only few of them that i trust the most like keeping secrets and etc. i dont choose them basta ba kasundo ko eh oks na oks sa akin. i dont know pero nararamdaman ko naman kung true sa akin ang so called friend na yun. I can feel it. saka dati kasi secretive ako eh. so halos sa lahat ng friend ko o barkada hindi ako makuwento kung ano deep feelings ko.

its true mahirap hanapin ang tunay na kaibigan kaya mabuti pang wag nalang hanapin hehehe saka kasi kusa yun dumadating parang lovers LOL. Im just happy na yung mga friends ko non eh friends ko parin ngayon. masaya nga ako at natagpuan ko sila sa friendster. ang tagal ko kasi nawalay sa kanila simula nong nagpunta na ako ng manila at dun na tumira hanggang sa nakarating nalang ako dito sa states. kahit de nila ako nakasama ng ilang taon hindi parin nila ako nakalimutan at ginawa pa akong ninang sa mga anak nila and im so so happy na successful na sila ngayon. walang mayaman sa grupo namin noon meron man eh yung middle class lang. lahat kami mga working student ng panahon na yun. may mga magulang na umaasa. kaya siguro magkasundo kami ng mga yun dahil halos pareho pareho kmi ng prioridad sa buhay. magimik din kami pero simple lang.

karamihan barkada nakatuluyan nila eh barkada lang din namin hehehhe. Siguro kung de ako napadpad sa Manila malamang katuluyan ko eh barkada din namin hehehe.

Hay ganda basta i-treasure nalang natin kung ilang friends meron tau hindi naman padamihan ng friend para mabuhay sa mundo. im just really really happy na i have friends around to talk not only in times of sadness basta andyan lang para makinig sau para bigyan ka ng advice. naalala ko tuloy sa grupo ako ang pinaka-hardheaded LOL halos lahat sila gusto na iuntog ang ulo pero kahit isa sa kanila ay hindi ko sinunod hahaha. i dont accept any advices kasi ok makikinig ako sa suggestion mo but dont expect it na susundin ko :P

basta ako friend mo ko and i trust you yun ngalang pagpasensya mo na katigasan ng ulo ko LOL.

o sya ganda i hope ok na ngayon sabi kasi ni thinz na-ospital ka daw. take care of yourself.

jhayelle on October 30, 2008 at 10:11 PM said...

OO. Sad but true. At may mga so-called "friends" din na ubod ng USER. Nandyan lang pag may kailangan at may napapala sayo, pero lumalayo pag wala kang maibigay. Grabe anoh...

Post a Comment

 

MOMMY♥LUVS Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Emocutez